
BULLYING
Bullying is a distinctive pattern of harming and humiliating others, specifically those who are in some way smaller, weaker, younger or in any way more vulnerable than the bully. Bullying is not garden-variety aggression; it is a deliberate and repeated attempt to cause harm to others of lesser power.

BULLYING
Ano ang kahulugan ng bullying?
Ang bullying ay isa sa mga problema ngayon na hindi masyadong binibigyan pansin ng mga otoridad at ng mga magulang. Walang tuwirang dokumentasyon at estadistika dito sa Pilipinas ang mga kaso ng bullying. Ngayon, paano nga ba binibigyang pakahulugan ang bullying? Ayon sa Stop Bullying Campaign ng Estados Unidos, ang bullying ay isang akto na hindi ginugusto ng pinapatunguhan ng kilos na ito. Ito ay may karakter na agresibo, paulit-ulit, at may hindi pagkapantay ng lakas sa pagitan ng binubully at nambubully.
Ilan sa mga bagay na maituturing na porma ng bullying ay pagsasagawa ng mga banta, pagkakalat ng nakakasamang mga tsismis, pagasuntong pisikal at pasalita sa isang tao, at ang sadyang hindi pagsama o pagsali sa isang tao sa isang grupo.
May iba’t ibang tipo ang bullying. Nahahati ito sa pananalita, sosyal, at pisikal. Masasabing pambubully ang pananalita kung tinatawag ang isang tao sa kung anu-anong pangalan (name calling), pangaasar, ‘di tamang mga komentong may sekswal na konotasyon, pambubuska, at pagbabanta ng pagsasagawa ng sakit.
Sa kabilang banda ang social bullying naman ay: ang pagiwan sa isang tao ng sinasadya, ang pagsasabi sa iba na huwag kaibiganin o pansinin ang binubully, pagkakalat ng mga mapanirang mga komento o usapin, at pamamahiya ng lantaran.
Habang ang pisikal na manipestasyon ng bullying ay makikita sa mga sumusunod na gawain: panununtok, paninipa, pangungurot, pandudura, pamamatid, panunulak, pagsira ng mga kagamitan ng isang tao, at paggagawa ng mga bastos na mga senyas.
Para sa mga nakakaraming mga tao, ang alam nila ay nagkakaroon ng bullying lamang sa loob at labas ng paaralan. Sa pagyabong ng teknolohiya, ang bullying ay nasa internet na rin. Ang ilan sa mga ito ay ang pagpopost ng mga malalaswang litrato o video, pagkakalat ng mga kung anu-anong pangloloko, at walang tigil na panggugulo.
​
​
Kung ikaw ay na bu-bully pindutin ang next
DONT BULLY ,BE FRIENDLY





Recent Activities Posts

